_ngayon
^

PSN Palaro

Kiefer pinayagan na ng NLEX, PBA na maglaro sa Japan B.League

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos si Bobby Ray Parks Jr. ay si Kiefer Ra­vena naman ang pinayagan ng PBA na maglaro sa Japan B.League.

Inihayag kahapon ng NLEX na nagkaroon sila ng kasunduan ni PBA Commissioner Willie Marcial na bigyan ng ‘go signal’ ang pagsusuot ni Ravena ng uniporme ng Shiga Lakestars sa Japanese league.

“The NLEX Road Warriors are happy to announce that an agreement has been reached with the PBA to allow Kiefer to play in Japan B.League for one season,” wika ni NLEX official Ronald Dulatre sa isang press conference.

Matapos ang isang season sa Lakestars ay babalik sa bansa ang da­ting Ateneo Blue Eagles star para muling isuot ang Road Warriors jersey at tapusin ang kanyang kontrata.

“This agreement was reached following discussions with the PBA Board, Commissioner Willie Marcial, NLEX Road Warriors management, and Kiefer’s camp,” dagdag pa nito.

Noong Hunyo pa nakapirma si Ravena ng kontrata sa Lakestars, ngunit nadiskaril ang kanyang pag­lalaro sa Japanese league bunga ng kanyang existing deal sa Road Warrriors.

Patuloy pa ring magla­laro ang 6-foot-2 combo guard sa NLEX sa kasalukuyang 2021 PBA Philippine Cup.

“I am very much excited to play for Shiga this season. I’ll be back next year to suit up for the NLEX Road Warriors and play in front of our home fans,” ani Ravena.

Kamakalawa ay pina­yagan ng TNT Tropang Giga at ng PBA si Parks na maglaro sa Japan B.League.

Nagtapos ang nilagdaan one-year contract ng Fil-m guard sa Tropang Giga noong 2020 Philippine Cup na pinagharian ng Barangay Ginebra Gin Kings.

KIEFER RA­VENA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with