Brazilian coach dumating na
MANILA, Philippines — Dumating na sa bansa si Brazilian coach Jorge Edson Souza de Brito na siyang hahawak sa training program ng national women’s volleyball team.
Sasailalim pa si Souza de Brito sa quarantine protocols bago makasama ang Pinay spikers sa training camp.
Papasok sa bubble si Souza de Brito sa Agosto 1.
Tapos na ang training camp ng women’s team sa Laoag, Ilocos Norte.
Ngunit ipagpapatuloy ito sa Agosto 1 sa Batangas City.
Bahagyang naantala ang pagdating ni Souza de Brito dahil sa mahigpit na patakarang ipinatutupad ng bansa sa mga papasok na foreigners.
Makakasama ni Souza de Brito sa paghawak sa volleyball program si national women’s team coach Odjie Mamon.
Paghahandaan ng Pinay spikers ang pagsabak nito sa 21st Asian Senior Women’s Volleyball Championship na gaganapin sa bansa sa Agosto.
Kasama ng Pilipinas sa Pool A ang Kazakhstan, Chinese-Taipei at Uzbekistan.
- Latest