_ngayon
^
Suns itinakas ni Booker sa panalo vs Trail Blazers
Dinepensahan ni Blazers forward Robert Covington si Suns guard Devin Booker sa first half ng kanilang laban.

Suns itinakas ni Booker sa panalo vs Trail Blazers

(Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2021 - 12:00am

PHOENIX — Ipinasok ni guard Devin Booker ang dalawang krusyal na freethrows sa huling 2.4 segundo para itakas ang Suns kontra sa Portland Trail Blazers, 118-117.

Ang panalo ng Suns (49-21) ang nagdikit sa kanila sa Utah Jazz (50-20) sa agawan para sa No. 1 spot sa Western Conference.

Nakahugot ng foul si Booker kay Norman Powell na nagresulta sa dalawa niyang free throws sa natitirang 2.4 segundo kasunod ang mintis na triple ni C.J. McCollum sa panig ng Trail Blazers (41-30).

Pinamunuan ni Chris Paul ang Phoenix sa kanyang 26 points at may 21 at 18 markers sina Mikal Bridges at Booker, ayon sa pagkakasunod.

Binanderahan ni Damian Lillard ang Portland sa kanyang game-high na 41 points kasunod ang 27 mar­kers ni McCollum.

Sa Miami, pinigilan ng Heat (39-31) ang pagkopo ng Philadelphia 76ers (47-23) sa No. 1 spot sa Eastern Conference nang angkinin ang 106-96 panalo para sa pagkapit sa No. 5 berth sa playoffs.

Sa Indianapolis, kumolekta si Giannis Anteto­kounmpo ng 40 points, 15 rebounds at 6 assists sa 142-133 pagrapido ng Milwaukee Bucks (45-25) sa Indiana Pacers (33-37) para upuan ang No. 3 seat sa East.

Sa Charlotte, naglatag si Paul George ng 20 points at 10 rebounds sa 113-90 paggupo ng Los Angeles Clippers (47-23) sa Hornets (33-37) para sa No. 3 berth sa West.

Sa Minneapolis, nagsumite si Nikola Jokic ng 31 points sa 114-103 pagbugbog ng Denver Nuggets (46-24) sa Minnesota Timberwolves (22-48) para sa No. 4 spot sa West.

DEVIN BOOKER NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with