_ngayon
^
Nievarez pipiliting makakuha ng medalya sa Tokyo Olympics
Cris Nievarez
Russell Palma, file

Nievarez pipiliting makakuha ng medalya sa Tokyo Olympics

Russel Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - May 12, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Alam ni national rower Cris Nievarez na mabigat na kompetisyon ang kanyang haharapin sa men’s single sculls event ng 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Kaya naman ngayon pa lamang ay may mga bagay na siyang gustong gawin bilang preparasyon sa nasabing quadrennial event na nakatakda sa Hul­yo 23 hanggang Agosto 8.

“Siguro ang kailangan kong dagdagan is endu­rance tapos muscle strength kasi iyong sasalihan ko sa Olympics hindi siya lightweight na event ko sa (2019) SEA Games na nag-gold ako,” ani Nievarez kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum online edition.

“Ngayon po open weight siya, parang pa-lakihan siya ng katawan, patangkaran. Ang dadagdagan ko talaga is endu­rance, technique at muscle strength,” dagdag pa ng 5-foot-11 rower.

Para magkaroon ng tsansa sa Olympic medal ay kailangan ni Nievarez na mapaganda ang kanyang best time na pitong minuto at 10 segundo sa men’s single sculls.

“Ang best time talaga ng karamihan is seven minutes flat tapos ang best time ko po 7:10.00 sa Thailand. Iyon po ang kaila-ngan pang i-improve nang i-improve para dumikit sa mga medalists,” sabi ng tubong Atimonan, Quezon.

CRIS NIEVAREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with