_ngayon
^
Marcial solong sasabak sa Asian Championships
Eumir Marcial
STAR/ File

Marcial solong sasabak sa Asian Championships

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tanging si Eumir Marcial lang ang Olympian na masisilayan sa Asian Elite Boxing Championships na idaraos sa Mayo 21 hanggang Hunyo 1 sa Dubai, United Arab Emirates.

Ito ang inihayag ni Marcial kung saan hindi magpapartisipa ang mga kapwa Tokyo Olympics qualifiers na sina Nesthy Petecio, Irish Magno at Carlo Paalam. “Ako lang po ang Olympian na sasama (sa Asian Championships),” ani Marcial.

Kasalukuyang nagsasanay sa Thailand sina Petecio, Magno at Paalam.

Nagdesisyon ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) na huwag nang ipadala sina Petecio, Magno at Paalam sa Dubai dahil sa quarantine protocols.

Plano sana ng ABAP na palaruin ang tatlo sa Dubai ngunit babalik din sila sa Thailand para doon ipagpatuloy ang kanilang training camp.

“The reason is that they plan to go back to Thailand after Dubai for more training. if they do, they will have to quarantine again and that will set them back,” ani ABAP secretary general Ed Picson.

Makakasama ni Marcial sa Asian Cham-pionships si Jun Milardo Ogayre na miyembro ng national pool at kasalukuyang nagsasanay sa Baguio City.

Nasa Zamboanga City si Marcial kung saan sumasailalim ito sa puspusang pagsasanay kasama sina ABAP coach Gerson Nietes, coach Joven Jimenez, IBF champion Jerwin Ancajas at Jonas Sultan.

Orihinal sanang idaraos ang Asian Championships sa India subalit inilipat ito sa Dubai matapos tumaas ang bilang ng tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa India.

UAE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with