^

PSN Palaro

Puwedeng makalusot sa Olympics sina Ando at Sarno

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Puwedeng makalusot sa Olympics sina Ando at Sarno
Vanessa Sarno Medal Podium

MANILA, Philippines — Walang ibang dasal si Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella kundi ang may makasama si national lifter Hidilyn Diaz sa 2021 Olympic Games.

At ang dalawang maaa-ring magkaroon ng tsansa ay sina Vanessa Sarno at Elreen Ando na bumuhat ng mga medalya sa katatapos na Asian Weightlifting Championships sa Tashkent, Uzbekistan.

“I’m hoping and praying na makakuha ng gold, makakuha pa ng dalawang dagdag. But I have to be honest, we have to finish everybody first sa Africa, sa Europe,” ani Puentevella kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum online edition. “Palagay ko pag nasuma baka isa o dalawa ang makapasok.”

Tatapusin ng International Weightlifting Fede-ration (IWF) ang lahat ng mga continental qualifying events bago ihayag ang mga pangalan ng papasa sa Olympic ranking.

Nakamit ni Diaz, ang 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist, ang Olympic berth sa Tokyo, Japan sa kanyang ikaanim na paglahok sa mga qualifying tournaments.

Nasa No. 2 spot ang 30-anyos na tubong Zamboanga City sa women’s 55-kilogram category.

Bumuhat ang 17-anyos na si Sarno ng dalawang gold medals sa women’s 71kg class sa Asian tournament sa Tashkent, Uzbekistan at may dalawang silver at isang bronze ang 22-anyos na si Ando sa women’s 64kg category.

“Ang feeling ko baka makatsamba rin itong da-lawa (Ando at Sarno) kasi maganda rin ang showing nila sa World Championships sa Rome, maganda rin dito (Asian Weightlifting Championships),” ani Puentevella.

Bukod kay Diaz, ang anim pang mayroon nang Olympic slot sa 2021 Tokyo Games ay sina pole vaulter Ernest John Obie-na, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

vuukle comment

OLYMPICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with