_ngayon
^

PSN Palaro

Kai Sotto tayo!

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Imbes na NBA G League, sa Australian National Basketball League napunta ang batang Kai Sotto.

Okay na rin.

Unang-una, hindi pipitsugin na liga ang NBL. At dito ay maipapakita ni Sotto ang kanyang potential.

Siguradong nakabantay ang NBA scouts o European scouts sa 7-3 na Filipino. At kung papalarin, puwede na siyang mag-apply sa NBA Draft para sa 2022 season. ‘Yan ang ultimate goal.

Nasa Amerika pa si Kai ngayon at patuloy ang ensayo habang inaabangan na magsimula ang NBL season sa October.

Sa Adelaide 36ers siya maglalaro. Excited ang buong team sa pagpasok ni Kai.

Ang kagandahan pa ng deal niya with Adelaide ay libre siyang maglaro para sa Gilas Pilipinas.

Kaya naman ngayon pa lang, committed na siya para sa FIBA Asia Cup at OQT.

At malamang, ganun na rin para sa FIBA Asia Cup mismo na gaganapin sa Jakarta sa August.

Excited din ako para sa 18-year-old na bata.

At least, patuloy ang kanyang development na sana ay humantong sa NBA stint.

Suportahan nating lahat si Kai at huwag natin siyang bigyan ng sobrang pressure.

Let him play.

KAI SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with