^
Cray sasalang sa 9-track competitions
Eric Cray

Cray sasalang sa 9-track competitions

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Siyam na track and field competitions ang nakatakdang lahukan ni Fi-American trackster Eric Cray sa hangaring makakuha ng tiket para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Layunin ng six-time Southeast Asian Games gold medalist na makuha ang Olympic standard na 48.90 segundo sa men’s 400-meter hurdles.

Kasama sa mga torneong lalahukan ni Cray para makaabot sa nasabing Olympic standard ay ang Don Kirby Tailwind Open sa Abril 22 sa New Mexico, ang Drake Relays sa Abril 24 sa Iowa at ang Texas Meet sa Abril 30.

Kamakailan ay nagtakbo ang 32-anyos na tubong Olongapo City na si Cray ng bronze medal sa kanyang inilistang 51.06 segundo sa 2021 Michael Johnson Invitational sa Clyde Hart Track and Field Stadium ng Baylor University sa Waco, Texas.

Aminado si Cray na malaki pa ang kanyang agwat para makasikwat ng ticket sa 2021 Tokyo Olympics na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

Sa susunod na buwan ay lalahok si Cray sa apat na athletics event para mapaganda ang kanyang oras.

Hangad ni Cray na maging pang-walong Pinoy Olympic qualifier matapos sina weightlifter Hidilyn Diaz, gymnast Carlos Edriel Yulo, pole vaulter Ernest John Obiena at boxers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

Bukod kay Cray, tumatarget din ng Olympic slot sina Fil-Am sprinter Kristina Knott at pole vaulter Natalie Uy.

ERIC CRAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with