^

PSN Palaro

Walang lugar sa sports ang mga bumababoy sa laro- Romero

Pilipino Star Ngayon
Walang lugar sa sports ang mga bumababoy sa laro- Romero
Kaya naman gusto ni dating amateur basketball ‘godfather’ at Deputy Speaker Mikee Romero na patawan ng mas mabigat na parusa at ipa-ban ang mga ito sa lahat ng liga sa bansa.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Walang lugar sa Philippine basketball ang mga players, coaches at officials na sangkot sa kontrobersyal na laro ng Lapu-Lapu City at Siquijor sa VisMin Super Cup.

Kaya naman gusto ni dating amateur basketball ‘godfather’ at Deputy Speaker Mikee Romero na patawan ng mas mabigat na parusa at ipa-ban ang mga ito sa lahat ng liga sa bansa.

“For showing disgraceful acts the players, staff, officials and the persons behind these shenanigans must be severely punished,” ani Romero, kinatawan ng 1Pacman Partylist sa Kongreso. “They have no place in Philippine Sports, basketball in particular.”

Hinikayat ni Romero ang lahat ng law enforcement agencies na pagbutihan ang kanilang im-bestigasyon sa nangyari sa VisMin Cup match.

Inaprubahan na sa Kongreso ang House Bill 8870, akda ni Romero, sa third at final reading sa botong 211-0 na nagpapataw ng parusa sa mga sangkot sa game-fixing.

Hangad ng nasabing House Bill na mapanga-lagaan ang integridad ng anumang sports laban sa mga game-fixers.

Nahaharap ang mga convicted game-fixers sa tatlo hanggang anim na taong pagkakakulong bukod sa multang P1 milyon hanggang P5 milyon.

vuukle comment

MIKEE ROMERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with