^

PSN Palaro

NCAA opening sa Hunyo na!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
NCAA opening sa Hunyo na!
Hindi pa naglalabas si NCAA Management Committee chairman Fr. Vic Calvo ng Colegio de San Juan de Letran ng eksaktong petsa kung kailan idaraos ang opening ng liga.

MANILA, Philippines — Hindi na sa Mayo kundi sa Hunyo na sisimulan ang special edition ng NCAA Season 96.

Nagpasya ang NCAA Management Committee na iatras ito dahil sa Enhanced Communited Quarantine (ECQ) na ipinatutupad sa NCR plus bubble.

Nakatakda sanang magbukas ang Season 96 ng liga sa Mayo para sa ilang selected events lamang

Hindi pa naglalabas si NCAA Management Committee chairman Fr. Vic Calvo ng Colegio de San Juan de Letran ng eksaktong petsa kung kailan idaraos ang opening ng liga.

“The NCAA Board agreed to move the ope­ning date to June. Hopefully, mid-June,” ani Calvo.

Isang dahilan ang kahirapan sa pagkilos ng mga bumubuo ng liga kabilang na ang broadcast partner nitong GMA-7 dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng quarantine protocols.

Target na itanghal sa Season 96 ang mga online tournaments gaya ng chess at poomsae sa taek­wondo.

Nais din ng liga na magkaroon ng skills challenge sa volleyball at basketball.

Kabilang sa mga posib­leng ilinya sa skills challenge sa basketball ang three-point shootout at slam dunk contest habang wala pang linaw kung ano ang gagawin sa skills challenge sa volleyball.

Nauna nang inihayag ni Calvo na hindi counted ang playing year ng mga student-athletes ang special edition ng NCAA.

Ang mga may fifth-year playing eligibility sa taong ito ay maaari pa ring makapag­laro sa regular season ng liga sa susunod na taon sa Season 97 ng liga.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with