Gebbie sumisid ng ginto sa Australia
MANILA, Philippines — Sumisid si Southeast Asian Games veteran Luke Gebbie ng isang ginto, dalawang pilak at isang tansong medalya sa Victoria Open Long Course Swimming Championships sa Australia.
Nasiguro ni Gebbie ang ginto nang pagharian nito ang men’s 100-meter butterfly sa bilis na 55.83 segundo, sapat para pataubin sina silver medalist Hamish Mcdougall (56.03) at bronze winner Luka Zubcic (56.54).
Kumana naman ng pilak si Gebbie sa 50m butterfly kung saan nagtala ito ng 25.27 segundo habang nanguna si Jack Gerrard na may 25.24 segundo.
Pumangalawa rin ang 24-anyos tanker sa 50m freestyle nang irehistro nito ang 23.39 segundo sa likod ni gold winner Andrew Lauterstein na may 22.77 segundo.
Nakuha naman ni Gebbie ang tanso sa 100m freestyle bitbit ang 51.27 segundo habang nangibabaw si Benno Negri (50.52) at pumangalawa si Gerrard (50.95).
- Latest