^

SBP buo ang suporta kay Kai

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpahayag naman ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ng buong suporta kay Kai Sotto matapos ang masaklap na kapalaran nito sa NBA G League.

Nakaalalay ang pamunuan ng SBP kay Sotto partikular na sa pangarap nitong maging kauna-unahang Pinoy na makakapasok sa NBA.

“The Samahang Basketbol ng Pilipinas will always be one-hundred percent behind Kai Sotto as he pursues his NBA dream,” ayon sa statement ni SBP president Al Panlilio.

Tiniyak ni Panlilio na mananatiling tahanan ni Sotto ang SBP lalo pa’t pinatunayan ng 7-foot-3 cager na handa itong gawin ang lahat para maging bahagi ng national team sa mga international tournaments.

Sa katunayan, umuwi pa si Sotto sa Pilipinas para makasama ang Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup Qualifiers sa Doha, Qatar subalit naudlot ang natu­rang torneo.

“When Kai announced via social media that he wanted to come home to play for Gilas Pilipinas Men, we welcomed him with open arms because he’ll always have a home with us at the SBP,” ani Panlilio.

Kaya naman saludo ang buong SBP sa natio­nalism ni Sotto.

“The same is true for any Filipino basketball pla­yer chasing their dreams on the international stage,” ani Panlilio.

Anuman ang maging susunod na desisyon ni Sotto, handa ang SBP na suportahan ito.

Nalulungkot ang SBP sa mga nangyari.

Subalit bata pa ang 18-anyos na si Sotto at ma­rami pang bagong oportunidad na posibleng dumating sa kanya.

KAI SOTTO SBP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with