^
Pinoy cyclists hahakot ng ginto sa Vietnam SEAG
Ito ang paniniwala ni Philippine Navy Standard Insurance Group chairman at cycling patron Ernesto “Judes” Echauz sa pagsabak ng mga national riders sa 2021 SEA Games sa Hanoi, Vietnam sa Nob­yembre 21 hanggang Dis­yembre 2.
STAR/ File

Pinoy cyclists hahakot ng ginto sa Vietnam SEAG

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Malalampasan ng Phi­lippine national cycling team ang naipadyak na bilang ng gintong medalya sa nakaraang 30th Southeast Asian Games noong 2019.

Ito ang paniniwala ni Philippine Navy Standard Insurance Group chairman at cycling patron Ernesto “Judes” Echauz sa pagsabak ng mga national riders sa 2021 SEA Games sa Hanoi, Vietnam sa Nob­yembre 21 hanggang Dis­yembre 2.

Kabuuang tatlong gold, apat na silver at apat na bronze medals ang inangkin ng national cycling team noong 2019 edition ng biennial event na pinamahalaan ng bansa.

Sina Lea Denise Belgira (mountain bike, women’s downhill), Jermyn Prado (road cycling, women’s time trial) at John Derick Farr (mountain bike, men’s downhill) ang pumadyak sa tatlong gintong medalya.

“We’ve seen the caliber of  the other women’s  teams and I think we have the best in Southeast Asia and comparable to the best in Asia itself,” ani Echauz.

Kumpiyansa rin si Echauz sa tsansa ng na­­tional men’s team na makapag-uwi ng gold  mula sa 2021 Vietnam SEA Games.

“We’ve learned the new techniques. We think we would be able to improve the gold for the team time trial and including the individual,” ani Echauz.

ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with