^

PSL beach volley papalo sa Biyernes

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walong koponan ang magtatagisan sa pagbabalik-aksyon ng 2021 Gatorade-Beach Volleyball Challenge Cup na katakdang umarangkada sa Biyernes sa SBMA sand courts.

Mainit na inihayag ni PSL chairman Philip Ella Juico ang kumpirmasyon ng muling pagdaraos ng volleyball tournament sa bansa matapos ang ilang buwan na pagkakaudlot dahil sa pandemya.

Nagawa ito ng PSL sa pakikipagtulungan nito sa Inter-Agency Task Force (IATF) at local government unit sa SBMA.

“We want to thank the teams, especially our guest team PetroGazz, for hel­ping us restart our beach volleyball tournament using a bubble setup,” ani Juico.

Nangunguna sa listahan ang guest team na Kennedy Solar Energy-PetroGazz na mamanduhan nina Ariane Luna Alarcon at Christina Canares.

Ipaparada naman ng Sta. Lucia Lady Realtors ang dalawang pares nina Bang Pineda at Jonah Sabete, at DM Demontano at Jackie Estoquia.

Desidido rin na magbigay ng magandnag laban ang F2 Logistics (Jenny Mar Senares at Kyla Angela), Chery Tiggo-United Auctioneers, Inc. (Ella Viray at Theresa Ramas), Abanse Negrense 1 (Alexa Polidario at Erjan Magdato), Abanse Negrense 2 (Jennifer Cosas at Gelimae Villanueva) at Toby’s Sports (Jonah San Pedro at Javen Sabas).

Tiniyak ni Juico na magiging ligtas ang pagdaraos ng beach volley tournament dahil mahigpit na patakaran ang ipatutupad sa buong panahon ng torneo.

VOLLEYBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with