^
Sotto daraan sa health protocols
Kai Sotto
The Skills Factory

Sotto daraan sa health protocols

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2021 - 12:00am

Bago pumasok sa bubble

MANILA, Philippines — Daraan sa regular health protocols si NBA G League-bound Kai Sotto bago sumalang sa trai­ning camp kasama ang Gilas Pilipinas pool sa I­nspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Pinaplantsa na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang lahat upang mapabilis ang pagbabalik-bansa ng 7-foot-3 cager na nagkumpirma ng partisipasyon sa third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.

Nakikipag-ugnayan na ang SBP sa pamunuan ng Inter-Agency Task Force (IATF) kung ano ang pinakamabuting paraan sa kaso ni Sotto.

Manggagaling sa Amerika si Sotto.

Base sa regular na proseso, sa oras na dumating sa Pilipinas si Sotto, sasailalim ito sa swab tes­ting kasunod ang 14-day quarantine period.

Ito ang posibleng pagdadaanan ni Sotto ngunit posibleng mapadali ito kung luluwag ang protocols na ipinatutupad ng IATF partikular na sa requirement na 14 araw na quarantine.

Ganito ang parehong proseso na pinagdaanan nina Ateneo de Manila University opposite spiker Kat Tolentino at Vince Tolentino ng Rain or Shine.

Ngunit may ilang naglabasang ulat na maaaring maging limang araw na lamang ang quarantine period para sa mga magne-negatibo sa swab test.

Kaya naman masaya ang SBP sa oras na matuloy ang naturang proseso.

KAI SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with