^

PSN Palaro

3 pang PBA players papasok sa Gilas bubble

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
3 pang PBA players papasok sa Gilas bubble
Raul Soyud
PBA Images

MANILA, Philippines — Kumpirmado na ang pag-entra ng tatlo pang PBA players sa bubble ng Gilas Pilipinas pool sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Ito ay sina Troy Rosario at Roger Pogoy ng Talk ’N Text at bigman Raul Soyud ng NLEX na tumugon sa panawagan ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para ma­ging bahagi ng Gilas pool sa FIBA Asia Cup Qualifiers.

Mismong si Gilas Pilipinas team manager Gabby Cui ang nagkumpirma ng mga pangalan ng tatlo kung saan agad itong sumailalim sa swab testing na bahagi ng health protocols bago pumasok sa bubble.

Sa oras na mag-negatibo sa swab testing, agad na sasalang ang mga players sa ensayo kasama ang iba pang miyembro ng Gilas pool.

Sinabi ni Cui na sa Biyernes pa nakatakdang pumasok sa Calambubble sina Rosario, Pogoy at Soyud kasama ang iba pang PBA players na nagkumpirma ng partisipasyon.

Sa kabilang banda, ito ang kauna-unahang pagkakataon na magiging miyembro ng Gilas pool si Soyud.

Matikas ang inilaro ni Soyud sa nakalipas na PBA Season 45 Philippine Cup kung saan nagtala ito ng averages na 10.0 points at 6.8 rebounds.

Makakasama ni Soyud sa bubble ang katropa nitong si Kiefer Ravena na magsisilbing Gilas Pilipinas team captain sa FIBA Asia Cup Qualifiers third window na idaraos sa Pebrero sa Clark, Pampanga.

Pinaghahandaan ng Gilas Pilipinas ang third window kung saan makakasagupa nito ng dalawang beses ang South Korea (Pebrero 18 at 22) at isang beses ang Indonesia (Pebrero 20).

Armado ng malinis na 3-0 rekord sa Group A, isang panalo na lang ang kailangan ng Pilipinas para masikwat ang tiket sa FIBA Asia Cup proper na gaganapin sa Agosto sa Jakarta, Indonesia.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with