^
Perez, Chua pumasok na sa âCalambubbleâ
CJ Perez
Photo from PBA.ph

Perez, Chua pumasok na sa ‘Calambubble’

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang PBA players pa ang pumasok na sa bubble upang makasama ang Gilas Pilipinas pool na naghahanda sa Ins­pire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Ito ay sina CJ Perez ng Terrafirma at Justin Chua ng Phoenix Fuel Masters na kabilang sa mga PBA players na inimbitahan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa bu­buuing Gilas pool para sa FIBA Asia Cup Qualifiers sa susunod na buwan.

Mismong si Perez pa ang nagkumpirma sa kanyang social media account kung saan nagpost ito ng picture bago ito pumasok sa Calamba bubble.

Hindi pa nasisilayan sa ensayo sina Perez at Chua na posibleng naghihintay pa ng resulta ng swab test bago makasalamuha ang buong team.

Isa sa matinding health protocols na ipinatutupad ng SBP ang swab testing bago pumasok sa bubble para masiguro na ligtas ang lahat sa coronavirus disease (COVID-19).

May mas matinding strain na ng COVID-19 ang nakapasok na sa Pilipinas kaya’t mas lalong hinigpitan ng SBP ang patakaran nito.

Inaasahang isa isa nang papasok ang iba pang PBA players na nagkumpirma ng partisipasyon sa third window.

Nauna na sa Calamba bubble ang Gilas Cadets kasama si Gilas Pilipinas team captain Kiefer Ra­vena ng NLEX Road Warriors.

Inamin naman ni PBA commissioner Willie Marcial na may ilang PBA pla­yers ang tumangging ma­ging bahagi ng Gilas pool dahil sa magkakaibang kadahilanan.

Ilan dito ay may iniinda pang injury at nagdesis­yong magpagaling muna habang ilang personal na dahilan naman ang i­binigay ng iba pang nasa wish list ng SBP.

Inirerespeto naman ng SBP ang naging desisyon ng ilang PBA players kaya’t maganda na ring hindi muna inilabas ang pangalan ng mga nasa wish list para maiwasang ma-bash ng netizens.

Nakatakda ang third window sa Pebrero 17 hanggang 22 sa Clark, Pampanga.

CJ PEREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with