^

NBA veteran pasok sa Ignite

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2021 - 12:00am

Mga bagito gagabayan kabilang si Sotto

MANILA, Philippines — Pasok sa Ignite team si dating NBA standout Jarret Jack upang magsilbing player-mentor ng mga bagitong miyembro ng koponan kabilang na si Kai Sotto.

Malaking tulong ito para kay Sotto upang personal na makakuha ng tips mula kay Jack na 16 na taon ding nag­laro sa NBA — ang dream stage ng Pinoy cager.

Malalim ang karanasan ni Jack na nakapaglaro sa Cleveland Cavaliers, Brooklyn Nets, New York Knicks, Portland Trail Blazers, India­na Pacers, Toronto Raptors, New Orleans Hornets at Golden State Warriors.

Nakaabot ito sa playoffs kasama ang Hornets, Warriors at Nets.

Maliban kay Jack, kinuha rin ng Ignite si 2020 NBA G League All-Rookie Team member Donta Hall para magsilbi ring guardian ng mga batang players.

Maliban kay Sotto, baguhan din sa NBA G League sina Jalen Green, Isaiah Todd, Daishen Nix, Jonathan Kuminga at Princepal Singh.

Ang iba pang miyembro ng Ignite ay sina Brandon Ashley, Bobby Brown, Cody Demps, Reggie Hearn at Amir Johnson.

Magsisimula ang NBA G League season sa susunod na buwan kung saan idaraos ito sa isang bubble setup sa ESPN Wide World of Sports Complex sa Orlando, Florida.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with