^
Cone maghahanap ng âgintoâ sa Season 46 Rookie Draft
Tim Cone
PhilStar.com File Photo/Denison Rey A. Dalupang

Cone maghahanap ng ‘ginto’ sa Season 46 Rookie Draft

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bagama’t sila ang pinakahuling pipili ng player sa Season 46 Rookie Draft ay kumpiyansa pa rin si head coach Tim Cone na makakahugot siya ng makakatulong para sa kampanya ng Barangay Ginebra.

“We are drafting at No. 12. It’s really hard to find a true impactplayer at that spot,” wika ni Cone. “But you’ll never know, this is a deep Draft so we’ll take the best player available irrespective of position.”

Itinakda sa Enero 27 ang deadline ng pagsusumite ng dokumento ng mga draft applicants para sa Season 46 Rookie Draft sa Marso 14.

Ilan sa mga inaasa-hang mapipili sa first round ay sina top 3x3 players Alvin Pasaol, Troy Rike at Franky Johnson at sina Santi Santillan at Fil-Am forward Nick Demusis.

“We will certainly use our pick very, very carefully. We’ve got our eyes on a couple of guys and we are hoping they will drop to where we are,” sabi ng two-time PBA Grand Slam champion mentor.

Ang Terrafirma ang hihirang sa No. 1 overall pick kasunod ang NorthPort (No. 2), Blackwater (No. 3), NLEX (No. 4), Rain or Shine (No. 5), Magnolia (No. 6), Alaska (No. 7), San Miguel (No. 8), Meralco (No. 9), Phoenix (No. 10), TNT Tropang Giga (No. 11) at Ginebra (No. 12).

Ang Gin Kings din ang pinakahuling pipili sa second at third round ng Rookie Draft.

Sina power forward Arvin Tolentino at guards Jerrick Balanza at Kent Salado ang mga nahugot ng Ginebra sa nakaraang Rookie Draft.

Malaki ang naging kontribusyon ng 6-foot-4 na si Tolentino sa 4-1 pagsibak ng Ginebra sa TNT sa kanilang best-of-seven championship series ng nakaraang 2020 PBA Phi-lippine Cup sa ‘bubble’ sa Clark, Pampanga.

TIM CONE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with