^
Rockets sumabog sa Mavs
Tumira si Mavs guard Luka Doncic laban sa Rockets sa aksyong ito.
STAR/File

Rockets sumabog sa Mavs

(Pilipino Star Ngayon) - January 6, 2021 - 12:00am

Doncic umukit ng triple-double

HOUSTON - Gumamit ang Dallas Mavericks ng matinding opensa sa fourth quarter para pabagsakin ang Rockets, 113-100, na tinampukan ng triple-double ni Luka Doncic.

Tumapos si Doncic na may 33 points, 16 rebounds at 11 assists at may 30 markers si Tim Hardaway Jr. para sa ikatlong panalo ng Mavericks sa pitong laro.

Isang 14-3 atake, ang pito rito ay mula ay Har­daway, ang pinakawalan ng Dallas sa huling pitong minuto ng fourth period para iwanan ang Houston sa 106-92 sa nalalabing 2:30 minuto nito.

Sa Philadelphia, umiskor si Tobias Harris ng 22 points at kumolekta si center Joel Embiid ng 14 mar­kers at 11 rebounds para sa 118-101 paggupo ng 76ers sa Charlotte Hornets.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng 76ers at winalis ang kanilang two-game match-up ng Hornets para sa 6-1 kartada nila.

Sa Orlando, kumonekta si Aaron Gordon ng anim na triples at tumapos na may season-high 24 points sa 103-83 panalo ng Magic sa Cleveland Cavaliers.

Sa Milwaukee, kumamada si Giannis Anteto­kounmpo ng 43 points para pamunuan ang 125-115 tagumpay ng Bucks sa Detroit Pistons.

Sa Miami, nagsumite si Kelly Olynyk ng limang triples para sa kanyang 19 points at may 20 markers si Bam Adebayo para sa 118-90 paggupo ng Heat sa Oklahoma City Thunder.

Sa New Orleans, nagtala si Malcolm Brogdon ng 21 points at 11 assists para sa 118-116 pananaig ng Indiana Pacers sa Pelicans.

DALLAS MAVERICKS LUKA DONCIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with