^

PSN Palaro

Thirdy sabak agad sa B. League

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Thirdy sabak agad sa B. League
Thirdy Ravena
STAR/ File

MANILA, Philippines — Matapos makarekober sa coronavirus disease (COVID-19), walang sina­yang na sandali si Thirdy Ravena na agad na sumabak sa aksyon kasama ang San-En NeoPhoenix sa Japan B. League.

Maganda ang pagba­balik-aksyon ni Ravena dahil nakatulong ito upang putulin ang eight-game losing skid ng NeoPhoenix.

Pinataob ng NeoPhoenix ang Levanga Hokkaido sa pamamagitan ng 83-69 desisyon.

Bagama’t limitado lang ang ibinigay na playing time kay Ravena, sinamantala ito ng dating Ateneo de Manila University standout upang tulungan ang kanilang tropa na makuha ang ikatlong panalo sa liga.

umiskor si Ravena ng limang puntos, tatlong rebounds at dalawang assists na malayo sa kanyang nakagawiang double-digit output sa nakalipas na mga laro ng San-En.

Apat na laro ring hindi nasilayan sa aksyon si Ravena dahil sumailalim ito sa 14-day quarantine period na requirement sa lahat ng nagpapagaling sa COVID-19.

Subalit hindi ito nakitaan ng pangangalawang dahil nanatili ang tikas nito sa paglalaro.

Magandang comeback ito para kay Ravena na umaasa sa mas matikas na performance sa susunod na laro ng NeoPhoenix.

Sumulong sa 3-17 ang rekord ng San-En.

Muling makakasagupa ng tropa ang Hokkaido, Linggo ng gabi sa Hokkaido Kitayell Prefectural Sports Center.

RAVENA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with