^

PSN Palaro

Eala dumulas sa No. 19 sa WTA rankings

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Eala dumulas sa No. 19 sa WTA rankings
Alex Eala

MANILA, Philippines — Bahagyang bumaba ang ranking ni Pinay netter Alex Eala sa bagong listahan ng Women’s Tennis  Association (WTA) na inilabas kahapon.

Laglag ito sa No. 19  posisyon — isang puwesto mula sa dating career-high na No. 18.

Hindi gumalaw ang puntos ni Eala na  2,241 dahil hindi ito naglaro sapul noong Singapore Open.

Matatandaang matapos sumabak sa Singapore Open, tumulak si Eala sa 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan kung saan nagkasya lamang ito sa tansong medalya.

Hindi lumahok si Eala sa WTA 1000 Beijing Open sa China para maging bahagi ng Team Philippines sa Asian Games.

Ang Beijing Open ay isang mandatory WTA event kung saan may penalty ang high-ranked player na hindi lalahok sa torneo.

Sinabi naman ng Philippine Tennis Association (Philta) na lusot si Eala sa anumang parusang ipapataw ng WTA.

Ngunit wala pang opis­yal na statement ang WTA sa penalty ni Eala.

Gayunpaman, hindi na ito iniisip ni Eala dahil nakasentro na ang atensiyon nito sa kampanya nito sa Wuhan Open.

Sasagupain ni Eala sa opening round ng Wuhan Open si Chinese qualifier Han Shi.

Nakatakda ang laban nina Eala at Han Lunes ng gabi.

Kung mananalo si Eala kay Han, papasok ito sa second round kung saan makakasagupa nito si Singapore Open champion Leylah Fernandez na na­naig kay Russian Ekaterina Alexandrova sa first round, 6-4, 3-6, 6-3. 

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with