^
Gin Kings lalapit sa korona
Tinapik ni Japeth Aguilar ang bola mula sa mga kamay ni TNT big man Troy Rosario sa Game Two ng PBA Philippine Cup Finals.
PBA Image

Gin Kings lalapit sa korona

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - December 4, 2020 - 12:00am

Tropang Giga kumpiyansa sa game 3

MANILA, Philippines — Aminado si coach Tim Cone na masyadong nagkumpiyansa ang kanyang mga Gin Kings sa Game Two dahil sa pag-upo ni Tropang Giga top scorer Ray Ray Parks Jr.

Naitayo ng TNT ang 15-point lead, 54-39, sa third period bago bumida sina Scottie Thompson at LA Tenorio sa huling 30.5 segundo ng fourth quarter para sa 92-90 pag-eskapo ng Barangay Ginebra noong Miyerkules.

“For us to think that it’ll be easier without Bobby Ray Parks was really wrong-thinking on our part,” wika ni Cone. “And that’s something we have to try and correct moving forward.”

Maglaro man o hindi si Parks ay determinado ang Gin Kings na makuha ang malaking 3-0 kalamangan sa kanilang championship series ng Tropang Giga ngayong alas-6 sa Game Three ng 2020 PBA Philippine Cup Finals sa  Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

Inangkin ng Ginebra ang 100-94 overtime win sa Game One kung saan nagkaroon si Parks ng strained left calf injury bago inilusot ang 92-90 panalo sa Game Two para itala ang 2-0 abante sa kanilang best-of-seven title duel ng TNT.

“Gagawin lang namin ‘yung best namin ulit na makuha iyong panalo. Pero siyempre, hindi iyan basta-basta ibibigay ng TNT. So talagang paghihirapan namin every game,” ani Thompson, isinalpak ang three-point shot sa huling 30.5 segundo ng final canto patungo sa panalo ng Gin Kings sa Game Two.

Kung gusto naman ng Tropang Giga na mapigilan ang paglapit ng koponan ni Cone para sa ika-13 PBA crown ay kailangan nilang paglaruin si Parks.

“Nandoon pa rin naman kami kahit wala siya eh,” ani Ravena kay Parks.

“In fact, lamang na nga kami eh. It’s just that we have to finish strong. Bottomline is we have to play smarter than them.”

Anuman ang hamon na kanilang harapin ay kailangan itong malampasan ng TNT.

TIM CONE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with