2-0 tutunggain ng Gin Kings
Nalusutan ni L.A. Tenorio ng Ginebra si TNT player Poy Erram sa Game 1 ng PBA Finals.
PBA Image

2-0 tutunggain ng Gin Kings

Russel Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2020 - 12:00am

Parks ‘doubtful’ para sa tnt tropang giga

MANILA, Philippines — Maaaring makabawas sa sakit ng ulo ni Barangay Ginebra head coach Tim Cone ang pag-upo sa bench ni TNT Tropang Giga leading scorer Ray Ray Parks Jr.

Inihayag ng Tropang Giga managament ang posibleng pamamahinga ni Parks matapos magkaroon ng strained left calf sa kanilang 94-100 overtime loss sa Gin Kings sa Game One noong Linggo.

“Ray is highly doubtful to play in Game Two. We are hoping he could play on Friday,” pahayag ng TNT team matapos makuha ang resulta ng MRI test ni Parks sa Medical City.

Hangad maitayo ang 2-0 abante, lalabanan ng Ginebra ang TNT ngayong alas-6 ng gabi sa Game Two ng 2020 PBA Philippine Cup Finals sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

Sa kabila ng nasabing injury ay tumapos pa rin ang anak ni seven-time PBA Best Import Bobby Parks na may 20 points, 5 steals, 4 rebounds at 4 assists para sa Tropang Giga.

Nakahugot naman ang Gin Kings kay 6-foot-8 Japeth Aguilar ng 25 points at 16 rebounds habang kumolekta si guard Stanley Pringle ng 24 points, 7 boards at 7 assists.

Naging susi rin sa nasabing panalo ng Ginebra si 14-year veteran guard LA Tenorio na nagtala ng 12 points, 10 assists at 5 rebounds at wala ring nagawang turnover sa loob ng 43 minuto.

“The guy came from surgery literally a week and a half before he came to the bubble and they told us he will be three to four weeks out, minimum. He played 13 days after surgery, and that’s ama­zing,” ani Cone sa 36-anyos na si Tenorio.

Sa pagpapahinga naman ni Parks ay aasahan ng TNT sina Jayson Castro, RR Pogoy, Troy Rosario, Simon Enciso at 6-foot-8 Poy Erram.

“Simula noon pa sinasabi ko na ang opensa ay hindi problema,” wika ni Tropang Giga mentor Bong Ravena.

“Sana matuto kami sa game na ito and hopefully it will be a different ball game on Wednesday, ” dagdag pa ni Ravena.

RAY RAY PARKS JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with