Gilas Pilipinas lalaban para sa mga kababayan!
Ito ay para mabigyan na rin ng kasiyahan ang mga Pilipinong dumaranas ng matinding pagsubok dahil sa pandemya at dalawang malalakas na bagyong dumaan sa Pilipinas.
STAR/ File

Gilas Pilipinas lalaban para sa mga kababayan!

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2020 - 12:00am

Pasasayahin ang mga pilipinong dumaraan sa pagsubok

MANILA, Philippines — Ibubuhos ng Gilas Pili­pi­nas ang lahat upang makuha ang dalawang krusyal na panalo sa FIBA Asia Cup Qualifiers sa Manama, Bahrain.

Ito ay para mabigyan na rin ng kasiyahan ang mga Pilipinong dumaranas ng matinding pagsubok dahil sa pandemya at dalawang malalakas na bagyong dumaan sa Pilipinas.

Kilala ang mga Pilipino bilang pinakamainit na supporters sa buong mundo dahil isa ang basketball sa mga nakagawian nang libangan ng mga Pinoy.

Mapa-aktuwal na laro para sa mga bata o matanda o sa pamamagitan ng simpleng panonood sa kanilang mga tahanan — bahagi na ang basketball sa kultura ng Pilipinas.

Kaya naman nais ng Gilas Pilipinas na ihatid sa tahanan ng mga Pilipino ang tagumpay nito sa kanilang laban kontra sa Thailand sa Nobyembre 27 at Nobyembre 30.

“We have to give it res­pect by giving all that we have when we enter the floor. We aren’t just going in as 12 players and c­oaching staff, but we also have every­body back home, the millions of Filipinos with us in spirit, cheering us on, and we have to represent them the best way we can,” wika ni Gilas Pilipinas member Isaac Go sa prog­ramang SportsPage sa One Sports.

Ito rin ang naging pahayag ni Kobe Paras na handa ring makipagba­ngasan para makuha ng Gilas Pilipinas ang panalo sa qualifiers.

Para sa bayan, ika nga.

“We want to do this for our countrymen. When they watch us and we win, there’s a joy that they feel. When we win, it’s not just us who win, it’s the whole country,” ani Paras.

Hangad ni Paras na maibahagi ang panalo sa kanilang kababayan partikular na sa mga frontli­ners na walang pagod na tumutugon para labanan ang COVID-19.

Maliban sa COVID-19, dumanas ng matinding pagsubok ang Pilipinas nang tumama ang dalawang malakas na bagyong sina Rolly at Ulysses na lubos na nagpahirap sa mga Pilipino partikular na sa Luzon area.

GILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with