SBP pag-aaralan ang FIBA bubble sa Manama

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 24, 2020 - 12:00am

Para sa posibleng hosting ng third window

MANILA, Philippines — Dumating na sa Manama, Bahrain ang de­legasyon ng Pilipinas para sa FIBA Asia Cup Qualifiers na idaraos mula Nob­yembre 27 hanggang 30.

Habang nakatutok ang atensiyon ng Gilas Pilipinas sa dalawang krusyal na laban nito sa Thailand sa Nobyembre 27 at Nobyembre 30, may sariling misyon ang observers na ipinadala ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa Bahrain.

Simula na ang pagbusisi ng grupo para alamin ang mga ginagawang hakbang ng host Manama para sa qualifiers.

Pag-aaralan ng SBP ang health protocols na ipinatutupad ng Bahrain na nakabase sa standards ng FIBA.

Nais makita ng SBP kung ano ang step-by-step mula paglabas ng eroplano, transportasyon ng mga delegates mula airport patungong hotel at ang pinaka-importanteng pagsasagawa ng swab testing.

Titingnan din ang magiging health protocols sa venue at kung paano ang isinasagawang sanitation sa mga equipment na gagamitin sa bawat laro.

Masusi itong babantayan ng SBP dahil plano nitong makuha ang hosting sa third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pebrero.

Ang mga nakitang pro­seso sa Manama ang magsisilbing modelo ng SBP sa oras na payagan ito ng FIBA na maging punong-abala sa third window.

Sanay na ang Pilipinas sa bubble setup dahil ito ang kasalukuyang ginagawa sa PBA Season 45 Philippine Cup sa Clark, Pampanga kung saan nakayanan nitong ma-accommodate ang 12 teams sa liga.

Kaya naman ito rin ang prosesong gagamitin ng SBP sa qualifiers na posibleng mas paigtingin lamang ayon sa standards ng FIBA na nakita ng mga obser­vers sa second window sa Manama.

FIBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with