Valdez ginaya ang âda movesâ ni Ravena
Alyssa Valdez
STAR/ File
Valdez ginaya ang ‘da moves’ ni Ravena
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 29, 2020 - 12:00am

Bilang birthday surprise

MANILA, Philippines  — Kakaibang birthday greetings ang inilatag ni volleyball star Alyssa Valdez para sa kasintahang si Kiefer Ravena ng NLEX Road Warriors na kasalukuyang naglalaro sa PBA Season 45 Philippine Cup sa loob ng bubble sa Clark, Pampanga.

Effort kung effort kung ituring ng iba ang ginawang surprise video ni Valdez para kay Ravena na naka-post sa kanyang social media account.

Makikita sa video na suot ni Valdez ang playing outfit ni Ravena mula sa jersey hanggang sa mga accessories nito gaya ng arm band at leg support.

Ginaya rin ni Valdez ang ilang porma ni Ravena sa kanyang pagtira na tunay na na-enjoy ng Creamline Cool Smashers team captain.

Masaya si Valdez sa kanyang ginawa.

Sa katunayan, nadalian pa ito sa mga usual moves ni Ravena sa tuwing nag­lalaro ito.

“In fairness sa mga moves mo, madali lang pala,” biro ni Valdez sa kanyang post.

Kasunod nito ang ser­yosong mensahe ni Valdez sa kanyang minamahal.

“You’ve taught me that tough times don’t last; tough people do. Laban lang, I got you. Happiest birthday, love,” ani Valdez.

Nakasama naman ni Valdez ang mga kapamil­ya ni Ravena para salubungin ang ika-27 kaa-rawan ni Kiefer.

NLEX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with