Butuan City hari sa 3x3 3rd leg
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naibulsa ng Butuan City ang korona sa third leg ng 3x3 President’s Cup na ginanap sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Isang game-winning basket ang isinalpak ni Franky Johnson para buhatin ang Butuan City sa makapigil-hiningang 21-20 panalo laban sa Pasig City sa championship round.

Napasakamay ng Butuan City ang P100,000 premyo.

Sa side events, naghari si Janus Lozada sa Two-Point Shootout kung saan naipasok nito ang lahat ng 10 puntos. Muli namang naghari si David Carlos sa Slam Dunk Contest.

Aariba ang fourth leg ng torneo ngayong araw.

3X3 BASKETBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with