Unang panalo ng Batang Pier
Naglaban para sa loose ball sina Paolo Taha ng NorthPort at Andreas Cahilig ng Terrafirma sa aksyong ito.
PBA Image
Unang panalo ng Batang Pier
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Nang manahimik si Christian Standhardinger sa second half ay kumilos sina big man Kelly Nabong at rookie guard Renz Subido.

Umiskor sina Nabong at Subido ng pinagsamang 30 points tampok ang pinagkabit na 7-of-13 shooting sa three-point line para igiya ang NorthPort sa 107-96 pananaig sa Terrafirma sa 2020 PBA Philippine Cup kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

Ito ang unang panalo ng Batang Pier matapos ang 0-4 panimula kasabay ng pagpapalasap sa Dyip ng pang-limang sunod nitong kamalasan.

“Iyong mga bata gusto na nilang manalo eh. Ayaw nila ng zero-five. Maganda ito. This is a breakout game for us,” sabi ni head coach Pido Jarencio.

Tumapos si Standhardinger na may 23 points, ang 20 rito ay iniskor niya sa first half, bukod sa 12 rebounds at 5 assists para banderahan ang NorthPort na nakawala sa Terrafirma sa huling dalawang minuto ng fourth quarter.

Ang dalawang triple ni Subido at isa ni Nabong ang naglayo sa Batang Pier sa 104-90 sa huling 1:39 minuto ng laro matapos makadikit ang Dyip sa 90-95 sa 3:21 minuto mula sa dalawang free throws ni CJ Perez.

Binanderahan ni Perez ang Dyip sa kanyang 25 points kasunod ang 19 markers ni rookie Roo­sevelt Adams.

CHRISTIAN STANDHARDINGER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with