Pagdanganan lumakas ang pag-asa sa Tokyo Olympics
Bianca Pagdanganan
Photo Courtesy of LPGA.COM
Pagdanganan lumakas ang pag-asa sa Tokyo Olympics
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Hindi lamang si Fil-Japanese golfer Yuka Saso ang may pag-asang makalahok sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan kundi pati si Bianca Pagdanganan.

Sa bisa ng kanyang joint ninth-place finish sa una niyang LPGA major tournament ay tumaas ang 2019 Southeast Asian Games double-gold medalist na si Pagdanganan sa No. 47 spot sa pinakabagong Olympic race rankings.

Naungusan ng 22-an­yos na si Pagdanganan ang kababayang si Dottie Ardina na nakaupo sa No. 54.

Bagama’t hindi nakalaro si Saso sa 2019 SEA Games noong Disyembre ay inangkin pa rin ni Pagdanganan ang gold medal sa individual event at nakatambal naman si Lois Kaye Go sa pagrereyna sa team event.

Nanatili ang 19-anyos na si Saso sa No. 30 sa Olympic rankings.

Nakuha ni Saso ang nasabing posisyon base sa mga panalo niya sa mga LPGA Japan Tour na 2020 NEC Karuizawa 72 at Nitori Ladies Golf Tournament.

Ang top 60 men’s at women’s players ang makakapaglaro sa 2021 Tokyo Olympics na misyon nina Saso at Pagdanganan.

Tanging sina pole vaul­ter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno ang mga Pinoy athletes na mayroon nang Olympic ticket.

YUKA SASO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with