^

PSN Palaro

McGregor hindi tatagal kay Pacquiao—Roach

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
McGregor hindi tatagal kay Pacquiao�Roach
Conor McGregor at Manny Pacquiao
Released

MANILA, Philippines — Hindi uubra kay eight-division world champion Manny Pacquiao si Mixed Martial Arts superstar Conor McGregor sa oras na magkrus ang kanilang landas sa susunod na taon.

Ito ang maagang prediksiyon ni American trainer Freddie Roach matapos mabalitaang ikinakasa na ang Pacquiao-McGregor mega fight sa 2021 na target na ganapin sa Middle East.

Ayon kay Roach, mas magiging madaling trabaho ito kay Pacquiao kumpara nang labanan nito si Ricky Hatton noong Mayo 2, 2009 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Magugunitang mabilis na napataob ni Pacquiao si Hatton nang itala nito ang second-round knockout win para maagaw ang International Boxing Organization (IBO) welterweight belt.

“If this is true, Manny Pacquiao will have an easier time with you Conor McGregor than when he fought Ricky Hatton,” ayon sa tweet ni Roach sa social media. Kaya naman, hindi malabo na makuha agad ni Pacquiao ang knockout win sa first round pa lamang base na rin sa prediksiyon ni Roach.

Ngunit ilang boxing analysts ang nagbigay ng opinyon na maaari itong patagalin upang bigyan ng magandang palabas ang mga manonood.

Ayon kay Jayke Joson na assistant ni Pacquiao, pumayag ang Pinoy champion na sumalang kontra kay McGregor dahil mala­king porsiyento ng kikitain nito sa laban ay ido-donate sa mga biktima ng coronavirus disease (COVID-19).

Hindi pa malinaw kung itataya ni Pacquiao sa naturang laban ang kanyang kasalukuyang hawak na World Boxing Association (WBA) welterweight belt o magsisilbi lamang itong exhibition game.

vuukle comment

CONOR MCGREGOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with