Casimero-Micah fight ngayon na!
Nagharap sa official weigh-in sina Pinoy pride John Riel Casimero at Duke Micah na nakatakdang magbakbakan ngayon.
STAR/ File
Casimero-Micah fight ngayon na!
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - September 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ibubuhos ni World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero ang ngitngit nito sa oras na magkrus ang kanilang landas ni Duke Micah ngayong araw sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut.

Parehong pumasok sa timbang sina Casimero at Micah sa official weigh-in kahapon sa naturang venue.

May bigat na 117.75 pounds si Casimero habang may 117.25 pounds naman si Micah.

Pagpasok pa lamang sa venue, kitang-kita sa aura ni Casimero ang kasabikang muling ipamalas ang kanyang bangis.

Lalo pang namangha ang lahat nang ilabas nito ang pormadong pormadong katawan na hinubog ng ilang buwan sa boxing gym kasama si legendary mentor Memo Heredia.

Ito ang unang pagsalang ni Casimero sa ring matapos maudlot ang kanyang laban kay World Boxing Association (WBA) at International Boxing Federation (IBF) titlist Naoya Inoue noong Abril.

Kaya’t desidido si Casimero na ilatag ang lahat ng alas nito upang mabilis na mapataob si Micah.

“This is a big opportunity to show the world who I am. I promise I would do my best in this fight. I am extremely ready to give it all,” ani Casimero.

Sa kabilang banda, handang-handa na rin si Micah na bumuo ng sariling game plan kontra kay Casimero.

“I have to stick to my game plan. I expect my opponent to box and move. I’ve prepared for a couple of attacks that I think he would use. I’ve never been more ready for a fight than I am for this one,” ani Micah.

WBO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with