Baldwin problemado sa lineup ng Gilas Pilipinas
Baldwin
STAR/ File
Baldwin problemado sa lineup ng Gilas Pilipinas
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Problemado si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) program director Tab Baldwin kung paano bubuo ng solidong Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Cup Qualifiers na idaraos sa Nobyembre.

Ayon kay Baldwin, hindi sapat ang mga players nito sa Gilas Cadets para sa mga importanteng laro sa qualifers — kontra sa South Korea at Thailand.

Pangunahing problema ni Baldwin ang availability ng mga PBA players dahil papasok sa PBA bubble ang mga ito mula Oktubre hanggang Disyembre sakaling pahintulutan na ito ng Inter-Agency Task Force.

Magiging “blessing in disguise” na lamang kung hindi makakuha ng go signal ang PBA bubble mula sa IATF na siyang nagbibi-gay ng pinal na desisyon.

Subalit wala ito sa isip ni Baldwin.

Kaya naman naghaha­nap na ng solusyon ang beteranong guro kung paano pupunan ang lineup nito.

“We don’t have enough cadets to fill out a roster. We’re gonna have to go in some direction, either to the college ranks to the international ranks, I don’t know,” ani Baldwin sa isang ulat.

May mga game plan na si Baldwin subalit nakasalalay ito sa mga susunod na mangyayari o sitwasyon.

Nahihirapan si Baldwin na makagalaw dahil hindi basta basta ang pagkilos sa “new normal” kumpara noong wala pang coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Bawat galaw ay kailangan ng approval para masiguro na nasusunod ang health protocols.

Kasalukuyang may 1-0 rekord ang Gilas Pilipinas sa Group A ng FIBA Asia Cup Qualifiers.

TAB BALDWIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with