Heat tinusta uli ang Celtics
Na-trap si Heat star Jimmy Butler sa depensa ni Celtics’ Romeo Langford.
Heat tinusta uli ang Celtics
(Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2020 - 12:00am

Ikinamada ang 2-0 lead

LAKE BUENA VISTA, Florida -- Itinuturing ni Jimmy Butler ang kanyang Miami Heat team bilang ‘comeback kids’.

Bumangon ang Heat mula sa 17-point deficit sa second quarter para patumbahing muli ang Boston Celtics, 106-101, sa Game Two ng kanilang Eastern Conference finals kahapon dito sa NBA bubble.

“We like to make it hard on ourselves,” sabi ni Butler sa pagtatayo ng Miami sa 2-0 bentahe sa kanilang title wars ng Boston. “We like being down double-digits and being the comeback kids.”

Umiskor si point guard Goran Dragic ng 25 points na tinampukan ng dalawang three-pointers sa huling dalawang minuto ng laro at humakot si big man Bam Adebayo ng 21 points at 10 rebounds para sa Heat.

Hindi pa natatalo ang Miami sa 16 playoff series matapos ipanalo ang Games One at Two, ayon sa ESPN stats.

Nagdagdag si Duncan Robinson ng 18 points tampok ang anim na triples at may 14, 12 at 11 markers sina Butler, Jae Crowder at Tyler Herro, ayon sa pagkakasunod.

Ang triple ni Kemba Walker ang nagbigay sa Celtics ng 94-89 kalama­ngan sa huling 4:25 ng fourth quarter bago ang magkasunod na tres nina Dragic at Jae Crowder para sa 102-95 bentahe ng Heat.

Ang dalawang free throws ni Butler ang tuluyan nang sumelyo sa panalo ng Miami sa huling 7.4 segundo ng laro.

Binanderahan ni Wal­ker ang Boston sa kanyang 23 points habang may tig-21 markers sina Jaylen Brown at Jayson Tatum.

JIMMY BUTLER NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with