2 fights pa kay Pacquiao— Roach
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - August 15, 2020 - 12:00am

Bago tumakbong presidente?

MANILA, Philippines — Dalawang mega fight na lamang ang inaasahang kakagatin ni eight-division world champion Manny Pacquiao bago tuluyang ituon ang kanyang atensiyon sa pulitika.

Ito ang isiniwalat ni American trainer Freddie Roach sa plano ng Pinoy champion bago iwanan ang mundo ng boksing at maikasa na ang pagreretiro.

“I’ve had discussions with Manny on having two more fights for his career and then maybe in the politician side of it,” ani Roach sa pa­nayam ng boxingscene.com.

Noong 2019 pa hu­ling sumalang si Pacquiao nang talunin nito si Keith Thurman sa bendisyon ng gitgitang split decision win para maagaw ang World Boxing Association (WBA) welterweight crown.

Pinag-uusapan na ang mga posibleng susunod na kalaban ni Pacquiao kung saan isiniwalat ni Roach ang ilan sa mga nais nitong makasagupa ng Pinoy pug kabilang na ang rematch kay undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr.

Sa ngayon, wala pang balak magbalik-aksyon si Pacquiao dahil nakasentro ang atensiyon nito sa pagtulong sa COVID-19 fight ng bansa.

Ngunit may mas matinding pasabog pa si Roach nang ihayag nito ang posibilidad na pagtakbo ni Pacquiao bilang pangulo ng Pilipinas.

“Manny would like to fight a couple more times and then run for the presidency of his country. The first fighter to ever do that and it will be another part of his history and I think he will be really good at,” ani Roach.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nabanggit ang pagpasok ni Pacquiao sa presidential race.

Una nang nadulas si Top Rank Promotions chief Bob Arum noong Hunyo na nakausap nito si Pacquiao kung saan nabanggit ang planong pagtakbo sa 2022 presidential election.

Itinanggi naman ito ni Pacquiao kaya’t agad na humingi ng paumanhin si Arum sa mga nasabi nito.

FREDDIE ROACH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with