^

PSN Palaro

Abueva sabik nang makalaro uli

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Abueva sabik nang makalaro uli
Calvin Abueva
STAR/ File

Gilas numero uno sa isipan

MANILA, Philippines — Maliban sa pagkakataong muling makalaro sa Philippine Basketball Association (PBA), hangad ni Phoenix Fuel Masters cager Calvin Abueva na muling makapagsuot ng Gilas Pilipinas jersey sa mga susunod na international tournaments.

Mahigit isang taon nang hindi nasisilayan sa aksyon si Abueva sa PBA matapos itong patawan ng indefinite suspension ng liga dahil sa ilang paglabag.

Ngunit malaki ang pagsisisi ni Abueva sa mga nagawa nito.

At nangakong magiging bagong mukha ng isang Calvin Abueva ang masisilayan ng PBA fans sa oras na muli itong pahintulutang makapaglaro.

Sumailalim ito sa psychological tests na bahagi ng requirement ng PBA para makabalik ito kasama pa ang ilang community service na naging regular na nitong ginagawa upang makatulong sa iba.

“Ako sa sarili ko I want to go back there kasi mas nagiging peaceful ako at nale-learn ko kung ano ‘yung dapat ko ring makita ko sa ugali ko at sa katayuan ko,” wika ni Abueva sa progra­mang Power&Play.

Huling nasilayan sa aksyon si Abueva kasama ang Gilas Pilipinas noong 2018 nang mapasabak ang Pinoy squad sa isang gulo kontra sa Australia sa FIBA World Cup qualifiers na ginanap sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Bahagi na lamang ito ng nakaraan. Nais ni Abueva na isentro ang isipan sa hinaharap.

“Iniisip ko sa pagbalik ko na makapaglaro ako ng maayos at mapasama ako ulit sa Gilas kahit ano ang nangyari. Nandoon pa rin ang puso ko na makasama sa national team,” ani Abueva.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with