Pacquiao-Crawford malabo pa - Gibbons
Sean Gibbons
STAR/ File
Pacquiao-Crawford malabo pa - Gibbons
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - August 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Malabo pa ang posibleng paghaharap nina World Boxing Association (WBA) welterweight champion Manny Pacquiao at World Boxing Organization (WBO) welterweight king Terence Crawford sa Nobyembre.

Mismong si MP Promotions chief Sean Gibbons ang bumasag sa Pacquiao-Crawford fight dahil walang negosasyong nagaganap para matupad ito.

Ayon kay Gibbons, tila nahihibang na naman si Top Rank Promotions head Bob Arum matapos isiwalat kamakailan na niluluto na ang Pacquiao-Crawford fight para sa Nobyembre.

“I have no idea what Bob is talking about, and I am not involved,” ani Gibbons.

NIlinaw ni Gibbons na hindi nakikipag-ugnayan ang kampo ni Pacquiao para sa sinasabing Crawford fight ni Arum.

Tahimik lang ang grupo ng eight-division world champion.

Wala itong inilalabas na statement para sa kanyang susunod na laban.

Maging ang napaulat na salpukan nina Pacquiao at mixed martial arts champion Conor McGregor ay nakatanggap ng thumbs down mula sa Pinoy champion.

Una nang isiniwalat ni Arum na inihahanda nito ang Pacquiao-Crawford bout subalit wala pa itong katiyakan dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

“Obviously, if it can happen, it’ll happen. And if it can’t happen, it won’t happen. But nothing is concrete on that. We hope we can do it. We’re trying, but this is not a usual situation,” ani Arum.

Abala si Pacquiao sa kanyang tungkulin bilang mambabatas.

Wala pa itong desisyon kung kailan magbabalik-aksyon at kung sino ang makakalaban nito.

WBA WBO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with