Lalabag sa health protocols pagmumultahinâMarcial
PBA Commissioner Willie Marcial
STAR/File
Lalabag sa health protocols pagmumultahin—Marcial
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - July 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bawal ang pasaway.

Ito ang babala ni PBA Commissioner Willie Marcial sa mga players na lalabag sa ilalatag nilang health at safety protocols sa idaraos na team workouts.

Sinabi kahapon ni Marcial sa webcast edition ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum na pagmumultahin ng P5,000 para sa first offense ang mga lalabag sa protocols sa ‘closed circuit concept.’

“Ang players dapat bahay, sasakyan, gym. So dapat huwag kang aalis (sa concept),” ani Marcial kapag nagsimula na ang training at conditioning ng mga players sa ilalim ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic..

“Kung lalabas ka at pupunta sa supermarket or drugstore dahil hindi mo naman maiiwasan, kaila­ngan sabihin mo kasi may (daily) log kami. Dapat may disiplina talaga,” dagdag pa nito.

May multa ring haharapin ang mga players na mangungulit sa individual workouts.

“Kapag ang players naman nag-violate ng protocols sa practice, P20K (ang fine nila),” ani Marcial sa weekly forum na inihandog ng San Miguel Beer, Go For Gold, Amelie Hotel, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Smart.

Dodoble nang dodob­le ang multa hanggang u­mabot sa P100,000 at ibabalik muli sa P20,000.

Apat na players, isang coach o trainer at isang health o safety officer ang tanging papayagan sa training facility sa pagsisimula ng team workouts.

Gagawin ang training kada grupo.

Hindi lamang ang mga players ang pagmumultahin kundi pati ang kanilang mga health officer, ayon kay Marcial.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with