Baldwin sinibak ng TNT Katropa
Tab Baldwin
Baldwin sinibak ng TNT Katropa
Russell Cadayona, Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi inaasahan ni Tab Baldwin na ito ang mangyayari sa negatibong komento niya sa format ng PBA at sa pagiging ‘tactically immature’ ng mga coaches.

Tinanggal ng TNT Katropa si Baldwin bilang kanilang assistant coach at team consultant sa hindi pa malamang dahilan.

Dahil sa kanyang maanghang na komento sa tournament format ng PBA pati na sa pagbanat niya sa mga local coaches sa isang podcast ay pinatawan ng liga ang 62-anyos na American-New Zealander ng three-game suspension at multang P75,000.

Pinuna ni Baldwin, ang head coach ng three-time defending UAAP champion Ateneo Blue Eagles, ang ginagamit na single import format ng PBA.

Tinuligsa naman ng ilang PBA top officials ang kagustuhan ng program director ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na magpalaro ng dalawa hanggang tatlong imports sa liga.

Kinondena rin si Baldwin ng Basketball Coaches Association of the Phi­lippines (BCAP) ukol sa pagturing niya sa mga local coaches na ‘tactically immature’.

Iniwan niya sa kampo ng TNT Katropa sina head coach Bong Ravena at active consultant Mark Dickel, dati niyang player sa New Zealand national team.

Matatandaang hu­mingi ng tawad si Baldwin sa mga naapektuhan ng kanyang mga sinabi.

Inihayag ni Baldwin ang kanyang paghingi ng tawad sa isang video conferen-cing kasama si PBA commission Willie Marcial.

Wala pang inilalabas na opisyal na statement ang TNT at ang PBA.

Sa kabila ng paglisan sa kampo ng TNT, mananatili si Baldwin bilang program director ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.

Isa si Baldwin sa hahawak sa programa ng Gilas Pilipinas para sa 2023 FIBA World Cup na idaraos sa Pilipinas katuwang ang Japan at Indonesia bilang co-hosts.

Bahagi pa rin ng A­teneo de Manila University c­oaching staff si Baldwin.

TAB BALDWIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with