MPBL kinansela ang 2020-2021 season
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagdesisyon ang pamunuan ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) na kanselahin na lamang ang 2020-2021 season ng liga dahil pa rin sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Sa inilabas na memorandum ni league commissioner Kenneth Duremdes, nagpasya ang organizing committee na simulan na lamang ang ikaapat na season ng liga sa susunod na taon.

“The 2020-21 MPBL Season is hereby suspended and we will start our next season on June 12, 2021,” ayon sa statement ng MPBL.

Nais lamang ng MPBL na pangalagaan ang kapa­kanan ng mga manlalaro, coaches at officials.

Base sa patakarang ipinatutupad ng gobyerno, hindi pa rin maaaring magsagawa ng mga events ang ilang contact sports gaya ng basketball sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Inabisuhan din ng MPBL ang lahat ng koponan na ayusin ang mga kontrata nito sa kani-kanilang mga manlalaro at ibigay ang kahit 20 porsiyento ng napagkasunduang suweldo.

Desidido ang MPBL na tapusin ang Lakan Cup sa isang closed-door venue ngunit wala pang petsa kung kailan ito isasagawa.

Nasa Final Four na ang San Juan Knights, Davao Occidental Tigers, Makati Super Crunch at Basilan Steel.

MPBL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with