Itinaas ni Eumir Felix Marcial ang bahagi ng t-shirt na may bandila ng Pilipinas matapos magwagi sa isang boxing match sa 2015 SEA Games sa Singapore.
STAR/ File
ABAP, promoters magsasanib-puwersa para sa gold-medal bid ni Marcial
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 31, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maganda ang plano ng ilang boxing promoters kay three-time Southeast Asian Games Eumir Felix Marcial na nakatakdang sumabak sa Olympic Games sa Tokyo, Japan sa susunod na taon.

Nakausap ni Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) president Ricky Vargas si boxing manager Shelly Finkel upang linawin ang professional boxing plans ni Marcial.

Nilinaw ni Vargas na nais nitong manatiling amateur si Marcial hanggang matapos ang Tokyo Olympics.

Pabor naman dito si Finkel.

Hangad ni Vargas na maging katuwang ang mga boxing promoters para mas lalo pang mapalakas ang tsansa ni Marcial na masungkit ang gintong medalya sa Olympics.

Handa si Finkel na tumulong para maisaayos ang ilang training camp para kay Marcial sa Amerika.

Walang masyadong boxing tournament sa kasalukuyan dahil sa krisis na dinaranas ng buong mundo bunsod ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Nangako si Finkel na hahanap ito ng mahuhusay na sparring partners para kay Marcial.

Binanggit pa nito ang posibleng training camp ng Pinoy champion sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California kasama si Hall of Famer Freddie Roach.

Maliban dito, posibleng magkaroon din ng training camp si Marcial sa Kazakhstan at Uzbekistan na bahagi ng paghahanda nito sa Tokyo Olympics.

Mananatili rin ang mga Pinoy coaches sa mga hahawak kay Marcial sa kanyang training camp hanggang sa matapos ang kampanya nito sa Tokyo Olympics.

Ito ang mga inilatag ng ABAP kay Finkel.

Ngunit hindi nangangahulugan na si Finkel na ang napili ng kampo ni Marcial para humawak sa kanyang pro boxing career.

Sunod na makikipag-usap ang ABAP sa MP Promotions ni eight-division world champion Manny Pacquiao.

Nauna nang inihayag ni Pacquiao na handa itong tulungan si Marcial sakaling magdesisyon itong pumasok sa pro ranks at mapasama sa MP Promotions.

Desidido si Marcial na pumasok sa professional bo-xing subalit iginiit nitong pangunahing prayoridad muna nito ang pangarap na maibigay ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics.

Nakasiguro ng tiket sa Tokyo Olympics si Marcial matapos pagharian ang middleweight division sa 2020 Asian-Oceanian Olympic Qualifying Tournament noong Marso sa Amman, Jordan.

Makakasama ni Marcial sa Tokyo Olympics si female boxer Irish Magno na nagkwalipika rin sa naturang torneo.

EUMIR FELIX MARCIAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with