“Sobrang malaking bagay ito para sa akin kasi makakapag-rehab ako kahit dito sa bahay at makakapaghanda para sa game. Bahay lang talaga, kaunting papawis,” sabi ni Yee. “Sa ngayon ang iniisip ko sana matapos muna itong COVID virus, dasal lang saka tiwala kay God talaga.”
Yee handa na sa game 3 vs Volcanoes
(Pilipino Star Ngayon) - April 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang pansamantalang pagpapaliban sa 2020 Chooks-to-Go MPBL Lakan Season Division Finals dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic ang sinasamantala ni Davao Occidental-Cocolife main man Mark Yee.

Nagkaroon si Yee ng partial anterior cruciate ligament tear at torn calf sa kanang tuhod na nangyari sa Game Two ng quarterfinals match-up ng Tigers at Bicol Volcanoes noong Pebrero 21,

Ngayon ay todo ang paghahanda ng 38-anyos na beterado para paghandaan ang Game Three.

“Sobrang malaking bagay ito para sa akin kasi makakapag-rehab ako kahit dito sa bahay at makakapaghanda para sa game. Bahay lang talaga, kaunting papawis,” sabi ni Yee. “Sa ngayon ang iniisip ko sana matapos muna itong COVID virus, dasal lang saka tiwala kay God talaga.”

“Pinagaling na ako ni God, pero masaya na malungkot ako dahil sa quarantine. Siyempre, masaya kasi may time ako makapag-workout at makapaghanda para sa Game Three pero malungkot kasi maraming mga tao yung naapektuhan at ‘di makapagtrabaho,” dagdag pa nito.

MARK YEE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with