Jalalon, Desiderio nagbahagi ng biyaya sa mga apektado ng lockdown
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - April 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Sa kanilang munting paraan ay naipahatid nina PBA guards Jio Jalalon ng Magnolia at Paul Desiderio ng Blackwater ang pagmamalasakit nila sa mga apektado ng lockdown dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Namigay si Jalalon ng mga packed foods at grocery items sa ilang lugar sa San Juan at Kalookan City.

“Kahit maliit lang itong bagay na ito alam kong maraming matutuwa rito,” wika ni Jalalon, dating kamador ng Arellano University Chiefs, sa kanyang Instagram post.

“Iyong meryenda, rito lang sa San Juan to Aurora, tapos Timog in Quezon City. Iyong mga goods naman, Kalookan to Recto papunta ng España. Umikot kami,” dagdag pa nito.

Kasama naman ang kanyang fiancee na si A­gatha Uyero ay namigay si Desiderio ng mga relief goods at groceries sa mga lugar sa Quezon City.

“Siyempre, ito ‘yung way namin para maipakita namin sa kanila na hindi sila nag-iisa,” wika ni Desi­derio, produkto ng University of the Philippines Fighting Maroons.

PAUL DESIDERIO PBD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with