Mojdeh, Dula babandera sa Tony Siddayao awardees

MANILA, Philippines — Pangungunahan nina Philippine Swimming League (PSL) products Marc Bryan Dula at Micaela Jasmine Mojdeh ang listahan ng mga Tony Siddayao awardees sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night na idaraos sa Marso 6 sa Centennial Hall ng The Manila Hotel.

Bibigyan ng para­ngal ang Masville National High School standout na si Dula at Brent International School-Laguna student na si Mojdeh matapos humakot ng gintong medalya sa iba’t ibang local at international tournaments noong nakaraang taon.

Ito ang ikalimang sunod na taon na tatanggap sina Dula at Mojdeh ng Tony Siddayao award - ang pinakamataas na parangal na ibinibigay sa mga junior athletes.

Makakasama nina Dula at Mojdeh sa programa ang Team Philippines na itinanghal na overall champion sa nakalipas na Southeast Asian Games na ginanap sa Pilipinas.

Igagawad sa Team Philippines ang  Athlete of the Year award.

Ang iba pang gagawaran ng Tony Siddayao awards ay sina tennis star Alex Eala, Dale Lazo at Jordan Dinham ng bow­ling, karatedo’s Juan Miguel Sebastian, golfer Celine Abalos, Woman FIDE master Antonella Racasa, powerlifter Jessa Mae Tabuan at ang nakakatandang kapatid ni Eala na si Michael Eala.

Chris Co

Show comments