Walang balak si Gilas Pilipinas interim head coach Mark Dickel na maging kampante dahil alam nito na tumataas na ang lebel ng laro ng ibang Southeast Asian teams gaya ng Indonesia.
STAR/File
Ayaw pakampante Gilas all out vs Indonesia
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ibubuhos ng Gilas Pilipinas ang lahat ng alas nito upang masiguro ang panalo laban sa host Indonesia sa 2021 FIBA Asian Cup qualifiers na papalo bukas sa Britama Arena sa Jakarta.

Walang balak si Gilas Pilipinas interim head coach Mark Dickel na maging kampante dahil alam nito na tumataas na ang lebel ng laro ng ibang Southeast Asian teams gaya ng Indonesia.

Sumailalim ang Indonesia sa matinding pagsasanay kasama si Serbian coach Rajko Toroman--ang dating mentor ng Gilas Pilipinas.

Kabisado ni Toroman ang estilo ng laro ng mga Pinoy cagers kaya’t siguradong may game plan na ito para sa Gilas Pilipinas.

“The Indonesians are well-coached. They are proven to be a tough opponent especially playing in their home court. I anticipate the game to be really difficult,” ani Dickel.

Kaya naman inaasahang ilalabas ng Gilas Pilipinas ang bangis nito para pigilan ang anumang pagtatangkang gagawin ng Indonesians.

Sabik na si team captain Kiefer Ravena na rumatsada matapos makansela ang Philippine-Thailand game dahil sa coronavirus outbreak. Lalaruin sana noong Huwebes ang naturang bakbakan.

“I can’t wait to represent the Philippines once again,” ani Ravena na magugunitang napatawan ng ilang buwan na suspensiyon dahil sa doping issue.

Makakasama ni Ra­vena sa kampanya ng Gilas Pilipinas sina Thirdy Ravena, CJ Perez, Roger Pogoy, Troy Rosario, Poy Erram, Justin Chua, Abu Tratter, Juan Gomez De Liano, Isaac Go, Dwight Ramos at Matt Nieto.

Kasama pa rin ng koponan sina reserve pla-yers Javee Mocon, Jaydee Tungcab at Rey Suerte.

Nasa Jakarta na ang Gilas Pilipinas.

Agad itong sasalang sa ensayo ngayon upang mas maging pulido ang galaw ng tropa bago sumabak sa laban bukas.

2021 FIBA ASIAN CUP GILAS PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with