Kumolekta si star forward Giannis Anteto­kounmpo ng 33 points at 16 rebounds para pamunuan ang 126-106 paggupo ng Bucks sa Pistons.
Gregory Shamus/Getty Images/AFP
Bucks tinambakan ang Pistons
(Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2020 - 12:00am

DETROIT -- Hindi hina-yaan ng nangungunang Milwaukee Bucks na  malasap ang ikalawang dikit nilang kabiguan ngayong season.

Kumolekta si star forward Giannis Anteto­kounmpo ng 33 points at 16 rebounds para pamunuan ang 126-106 paggupo ng Bucks sa Pistons.

Nang kunin ng Milwaukee ang 70-41 kalamangan sa halftime ay hindi na nili-ngon pa ang Detroit.

Nagtala si dating Pistons’ forward Khris Middleton ng 28 points para sa Bucks, naipanalo ang 15 sa huli nilang 17 games  at may 19 at 18 markers sina Eric Bledsoe at Brook Lopez, ayon sa pagkakasunod.

Nalasap ng Detroit ang pang-limang sunod nilang kamalasan matapos i-trade si center Andre Drummond sa Cleveland Cavaliers noong Pebrero 6.

Sa Atlanta, humataw si Trae Young ng career-high 50 points para akayin ang Hawks sa 129-124 pagtakas sa Miami Heat.

Humakot si Bam Adebayo ng 28 points, season-high 19 rebounds at 7 assists para sa Miami.

Sa Philadelphia, nagposte si Joel Embiid ng 39 points at 16 rebounds at tumipa sina Alec Burks at Shake Milton ng mahahalagang baskets sa overtime para akayin ang 76ers sa 112-104 panalo sa Brooklyn Nets.

Naglaro nang wala si Ben Simmons (lower back tightness), pinaganda ng Philadelphia ang kanilang home record sa 26-2 nga-yong season.

Nagdagdag si Tobias Harris ng 22 points at 12 boards para sa 76ers, nakahugot kay Burks ng 19 points.

MILWAUKEE BUCKS NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with