NCAA events kasado na ang pagbabalik
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magbabalik-aksiyon ang lahat ng events sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 95 sa Marso 16.

Ito ang inihayag ni NCAA Management Committee (ManCom) chairman Peter Cayco ng Arellano University matapos makansela ang mga laro noong Pebrero 14 dahil sa coronavirus outbreak.

Inaasahang aaprubahan ang naturang petsa ng Policy Board ng liga.

Bago magdesisyon, kinuha muna ng NCAA ang panig ng Commission on Higher Education, Department of Education at Department of Health kung ligtas nang laruin ang mga events.

Ipagpapatuloy ang mga laro sa indoor volleyball, football, lawn tennis at soft tennis.

May dalawang playdates pa ang volleyball tournament bago magsimula ang Final Four.

Nakatakda sanang magharap ang San Beda University at Lyceum of the Philippines at ang College of Saint Benilde at Mapua University sa women’s division ng volleyball nang kanselahin ng ManCom ang lahat ng laro sa seniors division.

Magtutuos naman sa huling araw ng eliminasyon ang Arellano at Benilde at Colegio de San Juan de Letran at San Sebastian College-Recoletos.

Kumpleto naman na ang Final Four – Benilde (7-0), Arellano (7-1), San Beda (6-2) at University of Perpetual Help System Dalta (6-3).

Puwestuhan na lamang ang pinaglalabanan kung saan pinaka-krusyal ang bakbakan ng Lady Blazers at Lady Chiefs sa final day ng elimination round.

Sakaling manalo ang Benilde sa Mapua at Arellano, awtomatiko itong uusad sa finals habang maiiwan ang Lady Chiefs, Lady Red Spikers at Lady Altas sa stepladder semifinals.

Maliban sa volleyball, uumpisahan naman ang track and field sa Marso 16 habang lalarga ang cheerleading sa Marso 30.

Idaraos naman ang Under-15 basketball sa Abril 25 at beach volleyball sa Abril 29.

NCAA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with