^

Iguodala ibinigay ng Memphis sa Miami

(Pilipino Star Ngayon) - February 7, 2020 - 12:00am

MEMPHIS -- May beterano nang makakatuwang si Jimmy Butler para sa Miami Heat.

Ito ay matapos puma­yag ang Grizzlies na ibigay si veteran defender Andre Iguodala sa Heat bilang bahagi ng isang package deal.

Lalagda si Iguodala sa isang two-year, $30 million extension sa Heat na dinala naman si Justise Winslow sa Memphis.

Hindi naglaro si Iguodala para sa Grizzlies ngayong season matapos siyang ibigay ng Golden State Warriors na pumasok sa isang three-team, sign-and-trade deal para mahugot si All-Star guard D’Angelo Russell.

Malaki ang naging kontribusyon ni Iguodala sa pagkopo ng Warriors sa tatlong NBA championships at nakatulong sa pagpasok sa limang sunod na Finals appearances.

Nakikipag-usap din ang Miami sa Memphis at Oklahoma City Thunder para sa isang three-team deal na magdadala kay Danilo Gallinari sa Heat matapos si Iguodala.

Sa Philadelphia, nakuha ng 76ers sina forward Glenn Robinson III at guard Alec Burks mula sa Warriors sa kanilang trade.

Dinala ng Philadelphia sa Golden State ang kanilang 2020 second-round pick mula sa Dallas, isang 2021 second-round pick buhat sa Denver at isang 2022 second-round pick galing sa Toronto.

Sa Sacramento, ibibi­gay ng Kings si center Dewayne Dedmon sa Atlanta Hawks para mahugot sina forward Jabari Parker at center Alex Len.

Isusuko rin ng Sacramento sa Atlanta ang kanilang 2020 at 2021 second-round pick.

ANDRE IGUODALA JIMMY BUTLER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with