P3 milyong premyo sa Lahi 23K Platoon Run
(Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Premyong P3 milyon ang itatakbo ng mananalo sa 4th Lahi 23K Platoon Run Challenge na nakatakda sa Setyembre 17-19 sa Bislig, Surigao del Sur.

May temang “One Nation, One People, One Phi­­lippines”, ang karera ay suportado ng lokal na pa­­mahalaan ng Bislig City, ki­nakatawan ni Vice Mayor Jo­nas Cacayan, kaalinsa­bay sa pagdiriwang ng Charter Day ng lungsod.

“Ang aming lungsod ay sadyang sumusuporta sa Challenge Run. Gusto na­­ming ipakilala sa buong mundo kung ano ang may­ro­on tayong kagali­ngan,” wi­ka ni Cacayan.

Pinasalamatan din ni Ca­­cayan ang mga opisyal ng Bislig City at si national chairman/founder Air Force Capt. Junel Pogoy.

Maliban sa P3 milyon na makukuha ng platoon team champion, ang se­cond at third place teams ay tatanggap ng P800,000 at P500,000, ayon sa pag­ka­kasunod.

Gusto ring sumali ng Ne­the­r­lands Platoon Team, binubuo ng mga kababaihan, sa event na posibleng la­­hukan ng 50 hanggang 100 Platoon Teams.

AIR FORCE CAPT. JO­NAS CACAYAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with