Manila nagpaulan ng mga bagong record
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagtala ang Manila Stars ng apat na bagong records sa kanilang 133-101 panalo kontra sa Mindoro Tamaraws sa pagpapatuloy ng Chooks-to-Go-Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup sa Strike Gym ng Bacoor City, Cavite.

Sa pangunguna ng anim na players na tumapos ng double-digits kabilang na si Carlo Lastimosa, binura ng Stars ang dating record na 125 total points ng Navotas Clutch sa kanilang panibagong 133 puntos isang laro lamang.

Nagposte rin ang Manila ng bagong 94 puntos inside points na mas higit pa kaysa dating 90 na naitala ng Zamboanga Family Sardines at ang kanilang 55 puntos mula sa fastbreak ay higit pa sa dating 36 ng Zamboanga.

Ang ikatlong bagong records ng MPBL na inukit ng Manila ay sa assists department matapos humataw ng 42 para burahin ang dating 38 na hawak ng Zamboanga Valientes.

Umiskor din ng 39 puntos ang Stars sa ika-apat na yugto na bagong record din ng home-and-away league.

Sa panalo ng Stars, nakasiguro na sila ng top four finish sa Northern Division sa kanilang 23-5 win-loss kartada sa likuran ng nangungunang San Juan Knights na tangan ang 23-3 slate.

MPBL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with